Saturday, October 18, 2008

Saan Yung Trininty?

Waa!! Naholdap ako!!
(sa panaginip)

Nakakakaba at nakakatawa lang! รถ
Kasi ganito... Halloween daw nun, pero ang konti ng tao! As in! Tapos niyaya ko yung mga pinsan ko ikot ikot, magshoot ako. Tas ayun lakad lakad.. Tapos may pinuntahan kami building na.. Basta related din sa mga patay. Tawag sa place na yun Trinity. Hmmm may hospital bang Trinity ang name? School lang alam ko e. Tas ayun labas-pasok kami sa building ewan ko kung bakit tapos edi naisip kong sa labas muna hanap hanap ng makukunan.. Tapos.. Haii ewan ko kung pano ako napunta sa right side street ng building eh nasa harap ako at highway pa yata yung harap. Tas ayun cellphone lang yata dala ko nun, wala akong napansing may dala akong bag. Tapos naglalakad ako tignin tingin ng subject or ng makukunan. Hmm may nakita ako eh si manong green sa berdeng dingding, paglingon ko ulit, nawala siya at naging dalawa mag-asawa yata na nakaupo sa tabi, yung lalaki ang sama ng tingin niya sa'kin eh tyempong kapit ko yung cellphone ko bilang kamera. Di ko siya pinansansin at tuloy lang ang lakad. Makalipas ang pitong hakbang bigla siyang tumayo tapos may sinabi sa kasama niya na medyo narinig ko. Hala AKO ANG TARGET!! (yata) tapos kunware mangmang ako, biglang takbo!!!!!! Whahahahahaha!! (ay hindi pala nakakatawa yun! Haha) tapos nung tumakbo ako tumakbo din siya! Hala! Tama ako! Ako nga target! So binilisan ko takbo pero naabot niya 'ko tapos may patalim siya. Weird ng weapon niya! Yiii basta nakatapat sa kamay ko yung patalim tapos hinagis ko yun cellphone ko.. (wenk!!! Tama ba'yun kookai!!! Haha) tapos kinuha niya pero yung hinagis ko parang maliit na box.. Hmm wirdow! Tapos di ko na tinuloy yung panaginip! Haha ninenerbyos na'ko sa totoong buhay eh! Haha yun lang!!


Ano yung nakakatawang part????
haha nagising akong nakataas yung dalawang kamay!!!! Isipin mo... =))

Sunday, September 14, 2008

...still a long wait


After 'kong makaaway si Panyang (kapatid ko) at pagalitan ng nanay at umiyak at nasabihang nag-iinarte natulog ako sa sofa sa living room. Hindi muna 'ko tumabi sa kanila kasi nga... anyway...

kahit hindi maayos ang pagkahiga ko sa upuan na 'yon, napanaginipan ko si Daddy Jorge (tatay ko) ang nangyari umuwi na daw siya dito sa Pinas! ang saya saya ko daw! (hindi ko nakita si mommy at mga kapatid ko sa panaginip, as in kami lang ni Daddy. May mga tao pero di ko alam kung sino, ayun ang saya saya ko daw tapos may bagong camera si daddy! tapos nakita ko ulit yung camera niya! weeeeee!!! pero hindi naman totoo paggising ko nag-iPod na lang ako at nagmuni-muni. Naluha pa'ko nun. Hangover sa nangyari nung gabi. :|


PS: August 2009 pa yata uuwi si Daddy dito :(


Friday, September 5, 2008

i MISS you badly, MISS you strong



I miss you badly, miss you strong

The nights are dark, they are so long
Days are alike, whatever I do
The only missing thing is you.


namimiss mo ba ako?

kung oo, huwag mo ikahiyang sabihin yan,
hindi sa panaginip mo sasabihin.



HAHAHA...
ang weird lang. (as usual)
Nag-send kasi siya ng e-mail sakin at sinasabing namimiss niya ako
(WHAHAHAHA feeling ko naman)
ayun bakit siya ganun.
nageexist sa mga panaginip ko.
pero dati sa personal parang hindi naman
hmm sabagay ganun din ako.


OH WELL.
that's life.
move on!


Saturday, July 26, 2008

Buhay Pag-ibig



Ang lovelife ko ay nabubuhay sa panaginip!
grrrrr..... ang saya saya diba.

pero bakit ganun...

Ang ganda ng panaginip ko. Ang ganda ng story. Biglang ganun...ang saya kaya!! ang saya talaga ng panaginip ko. Tapos nung nararamdaman ko nang magigising na ako... nalungkot ako bigla, na parang maiiyak (pero hindi ako naiyak). Parang ayoko na nga gumising e kasi alam ko paggising ko wala parin siya sa tabi ko :( Pero nangyari ang dapat mangyari. Nagising ako at naputol ang istorya. Happy at the same time sad. KAYA MO YON?

di ko tuloy alam kung ngingiti ako or malulungkot
:|


haai... tuloy lang ang buhay! mabuhay tayo! WEE

2001

Thursday, May 22, 2008

Dimol

What if one day you and your friends
were talking about "kiss"/kissing....
then....


HAHA....


Na-try mo na bang managinip ng isang kissing scene?


girl-girl kiss? WHAAAAHAHA!

Sh*t! hindi ko hiniling na lumabas yun sa panaginip ko. ALAM MO YUN!?!

tapos yung partner ko, friend ko siya actually, pero ATE ang tingin ko sa kanya! ATE! Sister!

At dun pumasok ang HD! (Hidden desire!) WHAHAHA pero wala talaga.


Enough! haha ....hilarious! LOL


Saturday, January 19, 2008

bago ka matulog

..and

sometimes, yung mga iniisip mo bago ka matulog napapanaginipan mo talaga, yun nga lang di mo alam kung kelan mangyayari yun.

Mind & Heart


ganun ba talaga?

hmmm...

meron akong.. lets say a "friend" napanaginipan ko siya, something... hmm pa'no ko ba sasabihin yun.. basta may something samin' dalawa then yung napanaginipan ko related sa reality or sa present time. YEAH! its true! grabe. haha! oooohhmm.. tapos ewan. hanggang dun lang yun.

:-|