Sunday, October 28, 2007

prrrrrrrttt!! -end-

minsan kasi sa haba ng story nakakatamad narin ipagpatuloy. hahaha

kanina oo nagising ako kahit antok na antok parin ako kahit 10.30am na pinilit ko wag ng matulog haha kaya nakinig na lang ako sa ipod ni panyang (panyang - my younger sis) haha ayun mejo bangag pero hindi ako nakatulog! haha yey! tapos pag dating ng hapon hmmm inantok ako ayon natulog ako at nanaginip kaso nakalimutan ko na kasi after nun ng ipod ulit ako hanggang sa makita ko yung Transformers sa ipod ng kuya ko haha.. wala lang.. =)

Friday, October 26, 2007

reality versus fiction?

breakfast = computer (oha)

kasi. again. weird parin. kelan kaya magiging reality ang panaginip ko? (ang labo) haha

oo medyo related sa reality pero may parang twist kasi. wow! haha parang reality game show lang! whahaha basta di ko ma-explain. tapos ako ba yun!? hindi naman eh.. nagsshower daw ako tapos TSK. may something na waaaaaaa.. basta ang korning weird na parang ewan. haha nakakatawa pero anong magagawa ko? hmf.

ayun di ko lang makwento kasi baka di mo rin magets eh so.. wag na lang. haha

Wednesday, October 17, 2007

Sem Break

alam mo ba.

after ng finals. (saturday)

sa sobrang himbing ng aking tulog (16 hours)
hindi ako nanaginip. kung nanaginip man ako eh hindi ko na maalala. haha

tapos the next day. hindi parin ako nanaginip. sarap ng tulog ko.

so ngayon i'm planning to build my dreams na ulit.

nakakamis ang mga wirdong panaginip ko.

nung before finals din bihira ako managinip kasi sobrang busy at pagod narin. tapos wala pa minsan tulog kaya pano ko mananaginip kung wala naman akong tulog diba.

hahaha okay. see you on my next post. thanks for wasting time! haha!!

Cramming Days

hahaha..

bago palang mag finals eh... wala na or konti na lang naitutulog ko.
ang dami dami plates! pero di ako nagrereklamo haha anong magagawa ko ganun talaga e. amf

anyway.. panaginip usapan eh.. ayun
edi finals week, also know as hell week. hoemaigahd.

grabe dati isang araw lang ako hindi nakatulog dahil sa plate. amf ngayon 3 days yata yun.

pero nakakatulog naman ako.. ay hindi pala idlip lang pala. 1-3 hours tapos paggising darn plates agad. ayun

idlip idlip. short nap. so puyat. kulang sa tulog. bangungot katapat.

yes. bangungot. ewan ko kung ano na meron sa mga bangungot na yan basta sabi nila bangungot daw yun e. yung parang kakahiga mo lang pagod ka. kaylangan ng maraming tulog. tapos pipikit ka. tulog agad pero mananaginip ka ng kung anong delubyo na mangyayari tapos di mo makontrol alam mo lang gusto mo gumising tapos super kinakabahan ka. haha! i hate that feeling. amf! sa week na yun twice akong naganun..

argh! pero naganun na ko dati... waaaaaa... ayoko na ng ganun! ='(

Sunday, September 9, 2007

not once but twice (hay nako talaga)

waaaa!

SUNDAY - LTS seminar day (10am-12pm), Med. Audi


set alarm 8:30am
alam ni mommy na may pasok.
higa ng around 12am *sigh*
tulog ng around 1:30am *amf*
gising 8:30am.. *sleepy, dreaming*
after ng alarm at ng boses ni inay...

*ZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz......*

waaaaaaaaaaa!!! oo nakatulog ako... eto pa... nananaginip ako nun kaya...
siguro... nahimbing ang tulog ko.... haaaaaayyy...



mali eh!
kaylangan kong gumising!
kaylangan! kaylangan eh.. may pasok kasi!
ano ba..



pero hindi eh.. ang ganda ng story.. UHH ok hindi ko maalala yung story pero basta may story siya hahaha ang gulo ah..


dahil sa panaginip ko... nagising ako ng 12:30!!!!
(hindi pa nga tapos story nun eh, sabagay di naman natatapos story ng isang panaginip until magising ka diba)

ayun nga!
na carried away ako sa takbo ng story... waaaaaa

pagmulat ko... saktong nakaharap ako sa orasan!! WAAAAAA!!!!

12:30 nakita ko..

nag-isip pa'ko
sira kaya tong wall clock na'to!!
nagulat ako! NAGULAT TALAGA AKO!!

tapos bigla kong tinignan phone ko para sure!
12:30 nga!!! (4missed calls, 8msgs)

ANAK NG PATOLA!
nagtext ako... tapos na daw sila. tumawag ako ayaw nila sagutin. tumawag ako sa isang ko pang friend sabi niya.. meron pa naman daw ng 1-3pm eh.. so waaaaa... *rush rush rush* hanggang sa nakalimutan ko na story ng panaginip ko.. amf! naaalala ko lang kasali si Daddy Jorge dun.. haha amf!

waaahahaha... luckly! nakarating ako sa UST ng 1:10... *whew* late parin pero di ako nasaraduhan ng door! hahaha umatend ako ng seminar ng mag-isa.. tapos sa kalagitnaan ng seminar (di pa nga half yun eh patapos na) eh chaka lang na-activate yung unlitxt ko.. kaya nagtanong tanong ako sa mga friends & classmates kung sino nasa loob ng audi. haha ayun! may classmates din pala ako pati yung ibang ko pang friends.. pero wala parin ako seatmate buong seminar.. haha (loner)

wahahahaha! kainis... sana di na to maulit...

last week din nangyari to..
at PRELIMS pa yun sa LTS... amf

kaya ayun nag-mail ako sa facilitator wala pa reply.. hmf!


hahaha sana wag na to maulit.... please... ayoko na ng gan'to...

ayokong salubungin ng gulat ahahahaha!!

yun lang.

Monday, August 20, 2007

last time

last time ka jan?

haha

nung isang araw...

haha sarap ng tulog ko... wee..

ganito yun nagstart.

first scene

may airplane... (philippine airlines pa nga yun eh) haha

biglang nag-crash!!! so ako nung nakita ko ayun tinignan ko lang.. di man lang ako nagpanic.. hmm pero kinabahan ako nun kasi nag-crash siya dito yung malapit sa bahay namin, nasa kalsada pa ko nun tapos
*winnnnnnggggg boom* nagcrash na yung plane. tapos nun edi nagkagulo na dumami yung mga tao sa kalsada.

e diba, usually pag may mga ganun tragedy may mga news networks na nagcocover ng mga ganun para i-broadcast nila sa TV, radio, etc... haha so... dumating sila...... waaaa!!

here's the weirdest part... hahaha ewan ko kung bakit ganun lumabas sa panaginip ko... alam mo yung mga spaceship...ufo-like flying objects.. haha ayun lumilipad sila tapos may logo ng CNN, BBC, ABSCBN, GMA, at kung anu-ano pa, nakalimutan ko na yung iba eh.. haha ang lupit talaga.. tapos hahaha nakakatawa isipin, namimigay sila ng COOL FLASH LIGHTS!!! hahahahahahaha.. ewan ko kung bakit, siguro kasi wala daw kunyente kasi may nagcrash na plane so putol mga wires ng meralco... haha yun tapos slow motion pa yung pagbagsak ng mga cool flash light with different shapes like cube, tube, oval, blah blah blah.. haha nakakatawa talaga.. tapos ang saya saya ko daw nun kakapulot.. haha tapos....


second scene

the yakap scene.. waaaaa

after nung plane crash...

umuwi na daw ako ng parang walang plane crash na nangyari sa lugar namin. haha
ayun derecho tulog. tapos may katabi akong guy. di ko masyado matandaan yung face niya basta magkatabi kami nun parehas kaming tulog. haha tapos ewan ko ba.. bigla na lang niya kong ni-hug... na parang gusto niya malaman feeling ng may ka-hug pag nakahiga.. hahahaha waaaaaaaa... tapos ni-hug ko din siya...waaaaaaaahahaha tapos nun.. pag gising ko.... wala na siya.. pero nagleave siya ng message somewhere.. yun nga lang di ko alam kung ano yung sinabi niya.. tapos nun ginising na ako ng mommy ko.. at naputol na ang story....uhhhhh... hahahahaha



ang weird talaga ........ amf haha

Sunday, June 10, 2007

Pieces of My Memory

bago ako matulog.
madami akong ginawa.
naglaro.
kumain.
nagbasa.
nagsearch.
naglibang.
nagchat.
at kung anu ano pang bagay na usually ginagawa ng taong walang magawa.


alam mo bang related or my connection yang mga pinaggagagawa ko sa panaginip ko.

haha. weird.
pero totoo nga.

ganito kasi yan.
napaginipan ko yung mga taong naka-usap/pinag-usapan sa chat or sa text... alam mo yun.. sila main character ba.. at syempre kasali din ako dun.

tapos ang kulit nga eh.. graduation day daw namin. tapos dun kami pupunta sa dati kong school (Pasig Catholic College) na kasalukuyang may nagaganap na PARADE?? parada ng mga nanalo sa promenade? waa! tapos Prom Princess yung friend ko na di talaga nanalo nung ng-prom kami nun. tapos kinausap ko pa siya habang ng pa-parade.. haha! tapos diba nga graduation.. kasama ko yung ilang school mate na di ko naman classmate sa totoong buhay tapos sabay daw kaming gagraduate! haha! ang labo! haha basta yun lang natatandaan ko e.

tapos nandun din si Daddy Jorge na laging naka-upo.. na galing airport? ewan. laging ganun.. ano kaya ibig sabihin nun? twice na yung nangyayari. hmmm??

tapos meron pa yun eh kaso nakalimutan ko na.. haha ang korni ko talaga!! hmf!

Saturday, June 9, 2007

Kasalan sa Sementeryo?

Waa!! Di ko alam kung pano nagsimula panaginip ko pero natatandaan ko may kasalan… tapos ako daw yung bride? Waaa! Ahahaha ang kulit talaga. Tapos di invited si/sila Daddy. Ahahaha ewan ko.. nasa bahay kasi siya habang may kasalang nagaganap pero alam niya naman yun.. waa ako? Kinakasal! Ahaha ni minsan di ko inisip yun kasi gusto ko muna mag-aral at maging…..PRO ng 3 tatlong profession! Hala!? Ahaha going back.. ayun tapos edi tapos na yung ceremony na di ko alam kung san ginanap ahaha! Tapos may sementeryo… dun daw kami pumunta after nung….nakalimutan ko kung anu nga nangyari bago nito eh tapos lahat daw kami pumunta ng sementeryo tapos tinuloy yung kasalan! Huwaatt!! Hahaha tapos… ang labo ng part nun yun..

Nagiiba kasi panaginip ko… kasi nagigising ako tapos nakakatulog ulit. Kunware nananaginip ako tapos nagising ako edi putol na panaginip.. tapos nakatulog ulit ako panibago na namang panaginip tapos nagising ulit ako at nakatulog ulit tapos alam yung una kong panaginip (yung kasalan) natuloy siya.. at dun na sa part ng sementeryo yun… ahaha ang weird! Teka!? Naiintindihan mo ba? Ahaha ako kasi oo eh.. =P

Ayun sementeryo na diba? Edi madami na tao.. tapos hala! Nag-iba character ko hindi na ako yung kinakasal.. ewan ko kung ano ginagawa ko naglalakad ako sa mga (yung mga nasa sementeryo) ayun.. tapos may camera yata akong dala nun na ewan ko kung yun nga yun.. tapos alam mo yung pagkatapos ng ceremony ng isang wedding yung exit portion ng newly weds.. ayun dun ginanap yun sa sementeryo! Ahaha! Grabe! Naka-long gown pa yung bride…na di ko alam kung ako pa rin yung bride dun.. ahaha ang labo kasi.. tapos ayun si Daddy Jorge nasa bahay lang.. naaayos ng bagahe?? Tapos pagkatapos nun 12pm na! exact 12pm!! Nagising na ako!at ayoko na matulog nun kasi tanghali na! ayun lang! haaayyy!! Weird!

Monday, May 14, 2007

tamad

palagi pa rin po akong nananaginip kaso tinatamad ako magkwento. ahaha!!
na-try ko narin matulog ng hapon (kanina) at nalaman ko na kahit hindi gabi eh nananaginip ako ng mga wirdong bagay!! ahahahaha!!

Tuesday, May 1, 2007

Boracay Trip

bora bora.. di ko pinangarap makapunta ng bora pero sa panaginip nakarating ako! oha!

ganito nagsimula yan..
sumakay kami ng airplane!! alam mo yun parang natulog ako sa erpleyn tapos paggising ko bumababa na ako ng bangka at nasa Boracay na kami! akalain mu yun! ahaha! waaa! ang weird! tapos yung boracay parang 1 hectare lang ahaha pero white sand parin..

pero... ahaha nakakatawa isang araw na kami sa bora ni hindi man lang kami nakakapag-swiming nun... ewan ko! mga kasama ko family and relatives ko pero pili lang.. ang labo labo talaga! tapos nagpupulot pa yata ako nun ng shells or nung tiny flowers na ewan ko kung yun nga yun.. ahaha! basta nakalimutan ko na kung pano ng-end yung panaginip ko! ahaha..

kamusta!

kamusta naman yung panaginip ko!

meron akong barkada.. kasama dun un ilang friends ko nung high school pati yung friends ko ngayun college.. isipin mo yun ni hindi nga sila magkakakilala sa totoong buhay tapos magbabarkada kami.. whahaha! ang labo!

tapos nandun kami sa isang building... isang building na kung titignan mo eh parang pinagsama-sama na isang lugar yung setting.. gets mo? yung lugar napaka-labo at napaka-layo sa reality. waaaa! mababaliw talaga ako sa mga panaginip! amf!

Monday, April 30, 2007

i had a bad dream. hoe mai!

2:30 am
(pagkatapos gumawa ng plate)
grabe.

( * = nangyayari sakin)
story...
-nakasakay ako sa isang motorcyle.
*nakapikit*

-may nakaangkas na BABY/sanggol sa likod ko!
*di makagalaw, kabado*


-pinipilit kong lumingon pero
*di ako makagalaw*


-yung baby parang kinakuha ako.


-yung paningin ko eh parang hell yung background na hindi ko maintindahin kung hell nga pero color black.. hmmf!
*pinipilit dumilat*
(parang pinupulikat buong katawan ko) waa!!


-di ako makalingon dun sa baby na pinipilit akong lumingon.
*parang tumitirik yung mata*




WAAAA! ang gulo nun!
parang 50% nananaginip ako at 50% na gising.
grabe.
ayoko ng ganun.
tapos nun.
swerte.
nagising ako.
*kabado to death*
(pray. pray. pray)


waa! ayoko talaga ng ganun!
alam ko kasi madaming namamatay sa mga ganung panaginip/bangungot!
amf!
ok na yung malaglag ako sa panaginip tapos gagalaw yung katawan ko.. *haha* (gets mo?)


ayoko mamatay sa isang tulugan lang.
ayoko matapos ang pagikot ng mundo ko.
ayoko non.
may pangarap pa ako.
para sa kanila.
at para sa sarili ko.


OH YEAH! drama! woo!
haha
yun na.
-END-



http://en.wikipedia.org/wiki/Bangungot

Saturday, April 21, 2007

The Theory of Panaginip

Bakit ba ganun mga panaginip ko.
Malayo sa reality pero related siya sa totoong buhay. (woo! labo)

I mean...
What I'm trying to say...

Yung mga tao ba e tunay... pero pagdating sa setting/place malabo na.
Malayo sa reality/present scene yung happenings/story.
Ah.. BASTA!! ang hirap i-explain!

Bakit kaya ganun..


Ayun nga sa aking nabasa mula sa isang pag-aaral...


***Every person on earth dreams every night. But "Why do we dream?" or "What is the function of dreaming?" Although these questions have been the subject of a debate for centuries, the answers to these questions are still unknown.


***"One ultimate hypothesis for the purpose of dreams is to help us learn. Dreaming of hypothetical situations helps us prepare for them when we are faced with the same kind of situations."


***"It states that dreaming is necessary in order to provide the mind with material or emotions to process during sleep. This keeps the mind active during the night so that the conscious reflection developed does not turn into external stimuli or to the current problems facing the dreamer. This would then disturb sleep and is another reason why dreaming is said to protect sleep. Looking at it from this point of view, dreaming serves the biological function of letting us get a full night’s rest (Montangero, 2000)." --I disagree. +_+

In opposition to this theory, if dreaming was to protect sleep and turn a stressful emotional experience into something better, then why does this function not exist when we need it the most? For example, recurrent dreams that occur during a time of stress have a negative content. This does not help the emotional state of the dreamer. Another example disproving this theory would be that fact that when people have a traumatic experience, they will often relive the trauma in their dreams. This causes the dreamer to feel powerful negative emotions. In theory, if dreaming was to help us heal emotionally, then the dreams should be completely opposite of what really occurs (Revonsuo, 2000). --TUMPAK!!

Wednesday, April 18, 2007

Sino si Tom Barrera?

Tom Barrera. Nanaginip ako. May isang lalaki. Hindi naman siya pangit, basta ka-age ko siya. ang nangyari eh nagmeet kami sa isang lugar. (sa tapat yata ng school ko nung high school) tapos na-shock ako nung nakita ko siya. kasi.. ewan ko.. di ko na maalala eh. tapos ng-hi ako tapos dun na kami nagsimula mag-usap tungkol sa buhay-buhay ko.. Tapos. hindi ko alam nangyari after nun. nakalimutan ko din paggising ko. pero naiwan talaga sa isip ko yun name niya. ewan ko. haha ang weird. na-try kong hanapin yung taong yun kung meron ngang totoong tao na pangalan e Tom Barrera. hinanap ko sa friendster wala naman. pati sa yahoo. wala din. Haayy!! Sabi ko talaga sa isip ko nun pag may nakita akong totoong tao na ganun ang pangalan e magpapakilala ako tapos kukwento ko yung panaginip ko. whahahaha! wala lang.. hindi lang talaga mawala sa isip ko yun.

Tuesday, April 17, 2007

sweet weird dream

may higanteng giant daw!
haha grabe!
basta higanteng tao. mga 30feet yung ht. niya
tapos kamuka niya yung sa fantastic four

^^ganyan!^^

haha pero wla siyang hat at shirt/polo

tapos....

dito siya sa pasig naglalakad.
naninira.
nantatapak.
grabe talaga.
tapos ako escape lng ng escape. (mag-isa!)
pumunta daw ako sa gilid ng ilog pasig na mabaho.
kasi dun naisip ko na di siya dun pupunta

tapos ang way lang para umalis siya..
eh nakalimutan ko na..

naalala ko lang parang gusto niya mag-give way or ituro ng mga tao sa tamang daan palayo sa lugar namin. na ewan ko kung yun nga yun. haha basta parang ganun siya.

haha

mejo malapit nako magising nun kaya malabo na.
kaya ayun.

basta ANG WEIRD NIYA talaga!

(lagi naman eh)