mahalaga ang ARAW (sun)
february 15 2010
nanainip ako..
ayoko pa bumangon kasi madilim pa, eh naka-set ang alarm ko ng 7AM, patingin ko sa bintana madilim pa, so hindi pa oras para gumising.. pagtingin ko sa orasan 9:30 na pala! Nagulat ako at bumangon agad! Pero pagtingin ko ulit sa bintana damilin parin, lumabas ako madilim parin at ang nanay ko ay gising na rin. Tinanong ko siya 9:30 na ba talaga? tinignan ko lahat ng orasan (wall clock, cellphone, iPod) tama naman ang oras. Mali lang yung pagiging madilim sa labas. Pagtingin ko sa labas ng bahay namin ang daming taong naghahanap sa araw, parang mga batang hindi alam ang gagawin o kaya hind alam kung kanino sila magrereklamo. Lumipas ang ilang minuto, lumilitaw na ang araw na akala mo may solar eclipse. Umakyat ako sa roof top at hinintay ang paglabas ng araw, Lumiwanag na!!! Sa pagliwanag ng kapaligiran, parang fiesta ang nangyari. Parang fiesta pero walang handang pagkain. HAHA! Kasi lahat ng tao masaya, ang ma bata ay naglalaro gayon pa man ito ay isa lamang panaginip at ang lugar at tao sa istorya ay halu-halo. Biglang naiba ang setting... dumating ang aking mga classmates, magulo na ang istorya. -END
P.S. After nine months..... I'm BACK! :)