Help!! Haha
Wow! Ang tagal narin akong di nakakapagkwento. Busy kasi e pati wala din ako pc ngayon. Ipod nga lang gamit ko ngayon. Loser! Haha
Ang panaginip ko ay napakaiba, tulad ng iba, dahil ako ay nanaginip sa aking panaginip. Haha! Ewan ko ba.
Hapon yun eh, sa totoo lang kaninang hapon lang, sa sofa ako nadapnan ng antok kahit sobrang sobra na tulog ko kasi bakasyon eh. Edi sabi ko 1 oras lang ako matutulog kasi aayusin ko pa yung mga damit, edi nagalarm ako tapos nakatulog na'ko, start na.. E kaso yung unang part hindi ko na maalala so nagalarm na.. Ayun dun natapos.
HAHA joke lang! Syempre inaantok pa'ko so inextend ko ng 1 oras ulit, at doon nagsimula ang istorya.
Same scene sa kasalukuyang nangyayari sa totoong buhay, natutulog ako, parehas lahat ng kung anong meron doon sa paligid ko, tapos may mga nakakatakot na pangyayari, hindi ko alam kung anong tawag dun, basta natutulog ako na parang binabangungot, sa panaginip ko, eto pa, sa panaginip, may mga kamay sa bintana na pilit pumapasok sa loob ng bahay eh yung bintana e malapit sa hinihigaan ko, takot na takot ako habang nananaginip, sa panaginip. Gets mo? Basta! Tapos sa panaginip ng panaginip ko dumaan yung pinsan at kapatid ko, medyo nagising na ko nun, sa panaginip ah, eh ang nangyari binangunot ako, hindi ko maidilat yung mata ko, para bang may nagpipilit na isara ko yung mata ko at ayaw na akong magising, edi pinilit ko parin kasi nga alam kong binabangungot ako. Hirap na hirap ako, hanggang sa inaabot ko na yung kamay ko sa kapatid ko kasi hindi ako makatakas sa bangungot na yun, kasama na din yung pagtigas ng katawan na hindi ka talaga makagalaw pero gising ka.
Hanggang sa ng alarm na yung celphone ko, pero nakatulog ulit ako, ganun parin, inaabot ko parin yung kamay ko sa kapatid ko at nagpapatulong para magising. At nagalarm ulit. At tinigil ko na! My gawd! Sa panaginip ng panaginip ko nahirapan ako ah! Nahirapan yung emotions ko. Feel na feel ko talaga eh! Hmmm at kahir inaantok pa'ko hindi nako bumilik sa pagtulog, baka mapagpatuloy pa eh. Haha tapos bigla ako pumunta sa ref para magpalamig... Haha syempre kumuha ako ng maiinom. Isang baso ng orange juice. At doon natapos ang hapon na puno ng tensyon, sa panaginip! Buhbye! :)
No comments:
Post a Comment