Sunday, September 14, 2008

...still a long wait


After 'kong makaaway si Panyang (kapatid ko) at pagalitan ng nanay at umiyak at nasabihang nag-iinarte natulog ako sa sofa sa living room. Hindi muna 'ko tumabi sa kanila kasi nga... anyway...

kahit hindi maayos ang pagkahiga ko sa upuan na 'yon, napanaginipan ko si Daddy Jorge (tatay ko) ang nangyari umuwi na daw siya dito sa Pinas! ang saya saya ko daw! (hindi ko nakita si mommy at mga kapatid ko sa panaginip, as in kami lang ni Daddy. May mga tao pero di ko alam kung sino, ayun ang saya saya ko daw tapos may bagong camera si daddy! tapos nakita ko ulit yung camera niya! weeeeee!!! pero hindi naman totoo paggising ko nag-iPod na lang ako at nagmuni-muni. Naluha pa'ko nun. Hangover sa nangyari nung gabi. :|


PS: August 2009 pa yata uuwi si Daddy dito :(


No comments: